JOSE Rafael
E. Diaz mas kilala sa tawag na “Paeng.” Sino siya?
Siya ay simpleng tao. Mataba ang puso para sa kapwa, kaya
mahal siya ng mga pinaglilingkuran niya sa San Mateo, Rizal.
Si Paeng na anak nina dating Mayor Jose Diaz at Gng. Leticia
Evangelista – Diaz ay mahal ng mga taga-San Mateo dahil ‘di niya sila
pinapabayaan.
Patunay na mahal siya ng San Mateo ay ang pagpapaupo sa kanya
bilang alkalde mula noong 2007. Dahil nga sa ipinakita ni Paeng na totoo
si-yang lingkod bayan o prayoridad niya ang mga taga-San Mateo, siya ay
muling pinaupo sa munisipyo para ipagpatuloy ang paglingkod. Ibig sabihin
ay malaki ang tiwala nila kay Paeng. Hindi naman nabigo ang mga residente
kay Paeng – kanyang tinupad ang mga ipinangako sa kanila. Ngayon siya ay
muling tumatakbo sa pagka-alkalde hindi para sa kanyang sariling interes kundi
para maipagpatuloy ang paglingkod sa mga taga-San Mateo. Marami pa kasing proyekto at magagandang plano si
Mayor para sa mga taga- San Mateo.
Si Paeng nga pala ay isang degree holder (Bachelor of
Science in Business Management) at produkto ng Ateneo de Manila University.
Bago naging alkalde ay sumabak na siya sa maraming pagsubok
– mabibigat na trabaho at responsibilidad na isa sa naging inspirasyon niya
para palawakin ang kanyang paglingkod — sa publiko.
Bukod dito, si Paeng ay naging Municipal Administrator ng
San Mateo (Rizal); President and Chief Executive Officer, JFD Construction and
Development Corporation; Stock Broker, Urban Corporation Investments, Inc.,
Makati Stock Exchange; Financial Credit Analyst, Far Eastern bank and Trust
Company, Makati City; at naging Analyst for Visayas and Mindanao Regional
Offices, Far East Bank and Trust Company.
Ang mga nabanggit na karanasan ni Paeng ay nakatulong sa
kanya bilang alkalde para abutin, ipagkaloob ang bawat tulong sa bawat
mamamayan ng San Mateo.
Bilang magaling na public servant – makatao, makamasa dahil
prayoridad niya ang mamama-yan ginawa niya ang lahat – bumagyo man o
umaraw. Oo hindi naging hadlang kay Paeng ang mga nagdaang malalakas na bagyo
na nagdulot ng pagbaha para paglingkuran ang mga kababayan niyang malaki ang
tiwala sa kanya.
Hindi lang hanggang sa mga nasalanta ng bagyo o sunog at ano
man kalamidad ang ipinararating ni Paeng ang kanyang pagtulong kundi marami rin
siyang naging programa patungkol sa edukasyon para sa mga kabataan.
Patunay na hindi pabayang alkalde si Paeng ay ang mga
parangal na tinanggap niya tulad ng mga sumusunod; “Bakas Parangal ng
Kabayanihan” (Award is granted to the leader of a group that exhibited
exemplary acts of heroism beyond their call of duty, upholding the core values
of their responsibility to reach out to those in times of disasters.); “DepEd
Partners Recognition LGU Stakeholders” (A recognition given by the Department
of Education to Local executives that have very significant contribution in
classroom construction and other critical support to public education.); at
“Seal of Disaster Preparedness” (Conferred by the Department of Interior and
Local Government (DILG) to local government which demonstrates an acceptable
level of disaster preparedness and disaster preparedness response before and
during calamities, as an official symbol of excellence).
Siyempre, ang lahat ng pagkilalang ito ay utang na loob ni
Paeng sa mga taga-San Mateo. Naniniwala ang alkalde na hindi niya nakuha ang
mga parangal na ito kung hindi sa suporta ng mga kasamahan niya sa paglingkod
sa bayan ng San Mateo.
Kaya hindi na rin tayo nagtataka kung bakit mahal at
nagtitiwala kay Paeng ang mga residente rito. Hindi siya kasi iyong tulad ng
iba na pulos ngawa pero kulang sa gawa.