Sunday, May 5, 2013

Paeng Diaz, Serbisyong Ganap, Serbisyong Lubos!





JOSE Rafael E. Diaz mas kilala sa tawag na “Paeng.” Sino siya?

Siya ay simpleng tao. Mataba ang puso para sa kapwa, kaya mahal siya ng mga pinaglilingkuran niya sa San Mateo, Rizal.

Si Paeng na anak nina dating Mayor Jose Diaz at Gng. Leticia Evangelista – Diaz ay mahal ng mga taga-San Mateo dahil ‘di niya sila pinapabayaan.

Patunay na mahal siya ng San Mateo ay ang pagpapaupo sa kanya bilang alkalde mula noong 2007. Dahil nga sa ipinakita ni Paeng na totoo si-yang  lingkod bayan o prayoridad niya ang mga taga-San Mateo, siya ay muling pinaupo sa munisipyo  para ipagpatuloy ang paglingkod. Ibig sabihin ay malaki ang tiwala nila kay Paeng. Hindi naman nabigo ang mga residente kay Paeng – kanyang tinupad ang mga ipinangako sa kanila. Ngayon siya ay muling tumatakbo sa pagka-alkalde hindi para sa kanyang sariling interes kundi para maipagpatuloy ang paglingkod sa mga taga-San Mateo. Marami pa kasing proyekto at magagandang plano si Mayor para sa mga taga- San Mateo.

Si Paeng nga pala ay isang degree holder (Bachelor of Science in Business Management) at produkto ng Ateneo de Manila University.

Bago naging alkalde ay sumabak na siya sa maraming pagsubok – mabibigat na trabaho at responsibilidad na isa sa naging inspirasyon niya para palawakin ang kanyang paglingkod — sa publiko.

Bukod dito, si Paeng ay naging Municipal Administrator ng San Mateo (Rizal); President and Chief Executive Officer, JFD Construction and Development Corporation; Stock Broker, Urban Corporation Investments, Inc., Makati Stock Exchange; Financial Credit Analyst, Far Eastern bank and Trust Company, Makati City; at naging Analyst for Visayas and Mindanao Regional Offices, Far East Bank and Trust Company.

Ang mga nabanggit na karanasan ni Paeng ay nakatulong sa kanya bilang alkalde para abutin, ipagkaloob ang bawat tulong sa bawat mamamayan ng San Mateo.

Bilang magaling na public servant – makatao, makamasa dahil prayoridad niya ang mamama-yan  ginawa niya ang lahat – bumagyo man o umaraw. Oo hindi naging hadlang kay Paeng ang mga nagdaang malalakas na bagyo na nagdulot ng pagbaha para paglingkuran ang mga kababayan niyang malaki ang tiwala sa kanya.

Hindi lang hanggang sa mga nasalanta ng bagyo o sunog at ano man kalamidad ang ipinararating ni Paeng ang kanyang pagtulong kundi marami rin siyang naging programa patungkol sa edukasyon para sa mga kabataan.

Patunay na hindi pabayang alkalde si Paeng ay ang mga parangal na tinanggap niya tulad ng mga sumusunod; “Bakas Parangal ng Kabayanihan” (Award is granted to the leader of a group that exhibited exemplary acts of heroism beyond their call of duty, upholding the core values of their responsibility to reach out to those in times of disasters.); “DepEd Partners Recognition LGU Stakeholders” (A recognition given by the Department of Education to Local executives that have very significant contribution in classroom construction and other critical support to public education.); at “Seal of Disaster Preparedness” (Conferred by the Department of Interior and Local Government (DILG) to local government which demonstrates an acceptable level of disaster preparedness and disaster preparedness response before and during calamities, as an official symbol of excellence).

Siyempre, ang lahat ng pagkilalang ito ay utang na loob ni Paeng sa mga taga-San Mateo. Naniniwala ang alkalde na hindi niya nakuha ang mga parangal na ito kung hindi sa suporta ng mga kasamahan niya sa paglingkod sa bayan ng San Mateo.

Kaya hindi na rin tayo nagtataka kung bakit mahal at nagtitiwala kay Paeng ang mga residente rito. Hindi siya kasi iyong tulad ng iba na pulos ngawa pero kulang sa gawa.

No comments:

Post a Comment